Kinumpleto ng Adamson ang pagwalis sa first round ng UAAP Season 79 juniors basketball sa dominanteng 130-47 panalo kontra University of the East kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Hataw si Encho Serrano sa naiskor na 22 puntos at 15 rebound, habang kumana si Gerry Austin Abadiano ng 20 puntos para sa Baby Falcons, tinambakan ang Juior Warriors, 38-12, sa first quarter.

Nag-ambag si Jason Celis ng 18 puntos para sa Adamson.

Nagwagi naman ang National University sa Philippines Integrated School, 95-61, para sa 6-1 karta.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Hataw si Rhayyan Amsali sa naiskor na 16 puntos, habang tumipa si Karl Penano ng 14 marker para sa Bullpups.