Napili ang El Nido, Palawan bilang isa sa Top Destinations on the Rise sa katatapos na 2016 Travelers’ Choice Award ng TripAdvisor.

Ayon sa Department of Tourism (DoT), pumang-anim ang El Nido sa listahan ng mga lugar na pinakapaboritong puntahan ng mga biyahero sa buong mundo.

Nanguna sa listahan ang San Jose del Cabo, Mexico at pumangalawa ang Whistler, Canada. Ang top ten ay kinumpleto ng (3) Jericoacoara, Brazil; (4) Kihei, Hawaii; (5) Baku, Azerbaijan; (6) El Nido, Philippines; (7) Eilat, Israel; (8) Las Palmas de Gran Canaria, Spain; (9) Tbilisi, Georgia; at (10) Jodhpur, India.

Labis na ikinatuwa ng DoT ang magandang balita lalo na’t tiyak anilang malaki ang maitutulong ng naturang pagkilala upang lalo pang dumami ang mga turistang bibisita sa bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We are very happy with the recognition of El Nido as a destination on the rise, especially as this is based on the unbiased reviews and opinions submitted by TripAdvisor users all over the world,” ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo. - Mary Ann Santiago