NAMATAAN si Angelina Jolie, 41, sa Hotel Bel-Air sa Los Angeles na hindi na suot ang kanyang wedding ring sa kanyang kaliwang palasingsingan. Matatandaang nagsampa ng diborsiyo ang aktres laban sa dating asawa na si Brad Pitt noong Setyembre 19.

Si Angelina ay walang anumang alahas sa katawan, nakasuot ng itim na damit at naka-aviator sunglasses, flats, at may bitbit na purse.

Sinabi ng mga saksi sa ET na si Jolie, may limang anak na inaalagaan nila ni Pitt -- sina Maddox, 15; Pax, 13; Zahara, 11; Shiloh, 10; at kambal na sina Knox at Vivienne, 8; ay tumira sa isang hotel nang makipagkita ang kanyang abugado na si Laura Wasser sa hukom at sa abugado ni Pitt na si Lance Spiegel nitong Miyerkules. Nang mag-check out si Jolie at ang kanyang mga anak noong Huwebes dakong 11:00 ng umaga, may dala-dalang overnight bags ang kanyang mga supling.

“Angelina looked good, a bit serious,” kuwento ng saksi, at idinagdag na tinulungan ni Jolie ang mga bata na maikarga ang kanilang mga gamit sa sasakyan. “Maddox had his hands in his pockets and head down as he quickly got into the car.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nananatiling low profile si Jolie simula nang magkahiwalay sila ni Pitt. Sa nakuhang mga dokumento ng ET mula sa Korte nitong Miyerkules, napag-alaman na naaprubahan na ng hukom noong Disyembre 2 ang legal agreement ng dating mag-asawa, at ipinagkakaloob kay Jolie ang physical custody sa kanilang mga anak. Sumang-ayon naman si Pitt sa patuloy na therapeutic visitation sa kanyang mga anak.

Natigil na ang custody battle ng dating mag-asawa. Gayunman, ibinunyag ni Pitt sa kanyang court declaration na hindi pa sila nagkakasundo ni Jolie sa custody schedule. Nais ng bida ng Allied, na umaasang makapiling ang kanyang mga anak na walang mga bantay, na maghain ng “Request for Orders to establish a schedule unless an agreement is reached.”

(Entertainment Tonight)