sunshine-copy-copy

KUMPIRMADONG itinalaga na ni Pres. Rody Duterte si Cesar Montano bilang bagong Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board. Ito ay ayon mismo kay Tourism Secretary Wanda Teo.

Ang isa raw sa mga magiging trabaho ni Cesar ay pangunguna sa paghahanda ng Miss Universe pageant na gagawin dito sa Pilipinas sa January 2017.

Si Cesar ang latest addition sa mga-taga showbiz na tumulong sa kampanya ni Pres. Duterte na nabigyan ng puwesto sa gobyerno. Nauna nang binigyan ng posisyon sina Aiza Seguera (chairman ng National Youth Commission), Liza Diño (Film Develoment Council Chairperson), Arnel Ignacio (Asst. VP For Pagcor Entertaiment), Freddie Aguilar (National Commission for Culture and the Arts board member) at iba pa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hiningan namin ng reaksiyon ang dating asawa ni Cesar na si Sunshine Cruz hinggil dito. Pero agad binanggit ng aktres na wala siyang ano mang masasabi.

“Hi Kuya Jimi, none of my business po ‘yan. Hehehe. Huwag na lang tayong makisali. Love you. Taping ako ngayon,” sey ni Sunshine. (JIMI ESCALA)