ILOILO CITY – Nasa 83 barangay sa Western Visayas ang drug-free na ngayon.

Sinabi ni Supt. Gilbert Gorero, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-6, na 83 barangay sa tatlong lalawigan ang wala nang impluwensiya ng droga, batay sa datos nitong Disyembre 2.

Nasa 58 barangay sa Aklan ang drug-free na, 23 sa Capiz, at dalawa pa sa Guimaras. (Tara Yap)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog