alden_pls-crop-copy-copy

SIXTH anniversary sa showbiz ngayong araw ni Alden Richards.

A week ago, nakausap namin si Mr. Richard Faulkerson, Sr. at sinabi namin na malapit na ang anniversary ni Alden sa showbiz. Naikuwento niya na hindi niya malilimutan nang papuntahin sila ng GMA Network dahil gusto nilang maging Kapuso star na si Alden. Maagang umalis ng Sta. Rosa, Laguna ang mag-ama at sumakay ng bus, para hindi sila mahuli sa appointment nila.

Nagpapasalamat siya sa GMA at sa lahat ng mga sumusuporta sa kanyang anak.

Domestic violence survivor, sa kamay ng pastor unang naabuso

Marami nang achievements si Alden simula noon, awards, magagandang projects, ang pagkabuo ng AlDub love team nila ni Maine Mendoza at ang isa sa tini-treasure niya ngayon, ang pag-imbita sa kanya para mag-host ng 21st Asian Television Awards sa Singapore, kasama ang mga sikat na Asian stars. Sa tweet ng @AsianTVAwards kinabukasan nalaman na nagustuhan nila ang pagho-host ni Alden.

“We love to have you next year! Do come back with your other half!” (referring to Maine), nakasaad sa tweet.

Ngayong araw din dapat ang grand opening ng Quezon City branch ng Concha’s Cafe from Tagaytay City na matagal nang nire-request ng fans ni Alden sa Metro Manila. Nasa finishing touches na lamang ang Concha’s QC na binisita ni Alden the other night at any day now, magaganap na ang grand opening ng two-story restaurant.

Ngayon pa lamang binabati na namin si Alden dahil in a span of one year, may dalawa na siyang restaurant. Last April 29 nag-opening ang Concha’s Cafe sa Tagaytay.

Busy these days si Alden sa sunud-sunod na corporate shows. Last Tuesday, siya ang naging Santa Claus na namigay ng gifts sa `100 children sa Atrium ng SM Megamall. Soon, magsisimula na rin silang mag-taping ni Maine ng kanilang unang teleserye sa GMA-7, na ipalalabas early 2017. (NORA CALDERON)