WASHINGTON (AP) — Dapat kaagad na aksyunan ng Congress ang mala-aliping kondisyon ng daan-daang banyagang mangingisda na nagtatrabaho sa commercial fleet ng Hawaii, sinabi ng mga nagsalita sa congressional forum noong Martes.
“These fishermen are treated like disposable people,” wika ni Mark Lagon, iskolar sa Walsh School of Foreign Service ng Georgetown University. Sinabi niya sa forum na ang mga mangingisda ay nabubuhay na tila mga alipin sa makabagong panahon. Ang mga crew ay kumikita lamang ng $1 kada oras.
Isa si Lagon sa ilang speakers sa forum noong Martes kaugnay sa slavery at human rights abuses sa dagat.
Natuklasan sa ulat ng AP na ang commercial fishing boats sa Honolulu ay kumukuha ng daan-daang manggagawa mula sa mahihirap na bansa sa Southeast Asia at Pacific Island para manghuli ng swordfish, ahi tuna at iba pang seafood.
Nagtatrabaho ang mga ito sa American-owned, U.S-flagged boats nang walang visa at hindi sila maaaring bumaba ng barko.
Karamihan sa tinatayang 700 crewmembers sa Hawaii fleet ay nagmula sa Pilipinas, Indonesia, Vietnam at Kiribati. Dahil wala silang mga visa, hindi sila maaaring sumakay ng eroplano papasok ng bansa, at sa halip ay sinusundo sa mga banyagang pantalan at dinadala sa Honolulu sakay ng barko.