Patay ang isang lalaki na runner umano ng ilegal na droga makaraang pasukin at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa sarili nitong bahay sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Ranilo Tano, 22, alyas “Onyok”, ng 5095 Independence Street, Barangay Gen. T. de Leon ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala sa ulo at dibdib.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, dakong 1:30 ng madaling araw, nakarinig sila ng tatlong magkakasunod na putok ng baril ngunit hindi nila alam kung saan ito nagmula.

Pagsapit ng 4:30 ng umaga, nagising ang tatay ng biktima na si Ranilo Blaso, 48, para mamasada at bumungad ang duguan at wala nang buhay niyang anak.

National

Mayor Baste, 'di totoong aarestuhin ng 40 pulis sa Davao

Aminado ang nakatatandang Ranilo na gumagamit at runner ng shabu ang kanyang anak ngunit hindi umano ito nagbebenta.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Orly L. Barcala)