CEBU CITY – Pinaniniwalaang isang cell phone na nasobrahan sa charging ang sumabog at nagbunsod ng sunog sa Bayabas Extension sa Barangay Punta Princesa, Cebu City, pasado tanghali nitong Martes.

Bagamat tatlong bahay lamang ang natupok sa insidente, sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Region 7 na nagbibigay ito ng halimbawa kung paanong dapat na mag-ingat ang publiko sa pagtsa-charge ng cell phone.

Payo ni SFO2 Roland Delos Reyes, tiyaking maayos at hindi sumusobra sa oras ang pagtsa-charge ng cell phone, at tiyaking malayo ito sa mga bagay na maaaring magliyab.

Ang sunod sa Bgy. Punta Princesa ay ikalawang naitala sa Cebu City sa loob ng wala pang 24-oras, kasunod ng naitala sa Bgy. Apas nitong Lunes ng hapon. Nasa 60 bahay ang naabo at umaabot sa mahigit P500,000 ang halaga ng napinsala. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!