NUEVA VIZCAYA – Pinag-iingat ng pulisya ang publiko sa naglipanang pekeng pera, lalo na ngayong Pasko.

Ito ang inilabas na babala ng pulisya matapos na maaresto ang dalawang katao sa pagpapakalat umano ng pekeng P1,000 sa mga bayan ng Quezon at Solano.

Dinakip sina Raul Sabatal, Jr., 56, taga-Parañaque City; at Conrad Peralta, 36, taga-Santiago City, Isabela makaraang mabisto ni Melanie Ramos ang perang ipinambayad ng mga ito sa kanyang tindahan sa Barangay Darrubba, Quezon.

Iniulat ni Chief Insp. Ferdinand Laudencia, hepe ng Quezon Police, na may nakuhang 110 piraso ng pekeng P1,000 bill sa dalawa, at mahigit P10,000 cash na hinihinalang naipalit ng mga ito mula sa pekeng pera.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

Nabatid na nabili umano ng mga suspek sa Maynila ang nasabing mga pekeng pera ng P150 kada piraso.

(Liezle Basa Iñigo)