justin-copy

NAGING sentro ng usapan ang love life ni Justin Bieber sa The Ellen DeGeneres Show kahapon nang tanungin ng host kung siya ay nakikipag-date.

“I am not dating anybody. Single. I’m not really looking either,” ani Justin.

Bagamat lagi siyang nasa biyahe para sa kanyang world tour, kahit minsan ay hindi siya natuksong gumamit ng dating app na Tinder. Kung bakit? Nagsisilbing gamot sa kanyang kalungkutan at homesick ang dala-dala niyang aso sa tour.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kakatapos lang ng concert tour ni Bieber na umabot ng 100 show at magkakaroon na naman siya ng panibago. “I’m doing stadiums in the United States,” pahayag niya sa talk show.

Magiging available ang ticket para sa kanyang North Amercian Stadium simula sa Biyernes, Disyembre 9.