maine-copy-copy

HABANG wala si Alden Richards at naiwanan sa kalyeserye si Mrs. Richards (Maine Mendoza), bisi-bisihan lang ang magiging nanay ng kambal sa mga trabaho naman niya.

Sa tumatakbong istorya ng kalyeserye, nagtatrabaho na si Alden para sa kanyang magiging pamilya, pero sa totoong buhay ay nagtungo ang Pambansang Bae sa Singapore para maging isa sa hosts ng 21st Asian Television Awards na ginanap noong Biyernes ng gabi sa Suntec Singapore International Convention Center.

Kaya si Maine ang naiwanan dito para um-attend sa events na dapat ay kasama si Alden, tulad noong Thursday nang tanggapin niya ang award para sa TNT AlDub Campaign na nagwagi ng Best Operator Marketing Campaign sa Global Telecoms Awards sa London.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Naging guest din si Maine sa pilot ng first digital show ni Kris Aquino nang manood sila ng Enteng Kabisote 10 And The Abangers na may special participation sila ni Alden. Kahapon, umabot na sa 500,000 views, 2,700 shares at 3,300 comments ang Facebook Live video nina Kris at Maine.

“It was a leap of faith to launch with no advanced promotions or publicity but thank you! My 1st FB Live with @mainedcm already has 500,000 views Thank you to my longtime IG Friends, the video I posted for #krismeetsmaine now has 156,524. To my new family, APT (we are still waiting for SEC approval for our new corporation’s name) -- THANK YOU for embarking on this journey to live, love & learn with me,” post ni Kris sa Instagram last Saturday.

Pero ang pinakamahalaga, nakapag-promote si Maine, at makapagpasalamat na rin sa kanyang fans at sa patuloy na tumatangkilik sa isa sa maraming produkto na iniendorso niya, kasama ang top-selling na CDO Funtastyk Young Tocino.

Hindi raw siya napahiya sa customers na bumili nito dahil tender and delicious talaga ito.

Hindi kami magtataka kung isa ito sa mga iluto sa “Pinoy sa Kusina” segment ng kalyeserye na may contestants sila na nagpapakita ng kahusayan sa pagluluto.

Sabi pa ni Maine, hindi raw dapat mawala sa breakfast table ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino ngayong Pasko.

Ayaw pang sabihin ni Maine kung saan at kung paano sila magsi-celebrate ng Christmas ni Alden, pero ang alam nila ay magiging busy na silang dalawa dahil magsisimula na silang mag-taping ng first teleserye nila sa GMA-7.

Bago kasi umalis si Alden for Singapore, nag-plug shoot na sila para sa kanilang teleserye na ipalalabas bago matapos ang 2016, kasama ang iba pang bagong shows ng network na mapapanood sa 2017. (NORA CALDERON)