dennis-copy-copy

NANALONG best actor si Dennis Trillo sa Famas para sa pelikulang Felix Manalo ng Viva Films. Sa ipinost niyang picture hawak ang Famas trophy, sabi ni Dennis, “My very first FAMAS best actor! Happy Holidaze!”

Parang advance Christmas gift kay Dennis ang kanyang Famas Best Actor award. May idi-display na naman ang aktor, katabi ng mga nauna niyang trophy.

Dagdag na motivation ang award ni Dennis para galingan pa ang trabaho sa mga susunod niyang projects sa TV man o pelikula. Wala pang balita kung ano ang susunod niyang pelikula, pero ang narinig namin, may gagawin siya sa Viva Films pa rin.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa TV, next year pa ang airing ng remake ng Mulawin na siya pa rin ang gaganap sa role ni Gabriel, the same role na ginampanan niya sa original. Interesting kung ano ang gagawin ng mga writer para palakihin ang role ni Gabriel at hindi palabasing kontrabida.

Samantala, muling aalis sina Dennis at Jennylyn Mercado, but this time, trabaho at hindi bakasyon ang pupuntahan nila sa Los Angeles, California. Kabilang sila sa performers sa Sikat Ka, Kapuso sa January 22, 2017. Makakasama nila sina Lovi Poe, Tom Rodriguez, Betong Sumaya at Alden Richards. (Nitz Miralles)