britney-copy

IPINAGDIWANG ni Britney Spears ang kanyang ika-35 kaarawan sa isang high-energy performance ng kanyang hits sa Jingle Ball 2016 ng 102.7 KIIS FM nitong nakaraang Biyernes.

Nagtungo ang pop superstar sa entablado ng Los Angeles’ Staples Center na nakasuot ng puting lace crop top na may malalaking feathered sleeves at nakaitim na shorts. Namangha ang audience sa kanyang pagtatanghal ng mga patok niyang awitin tulad ng Womanizer, I’m a Slave 4 u, Toxic at (You Drive Me) Crazy.

Para sa huling awitin ng gabi, sinamahan ni Tinashe ang Grammy winner sa pagtatanghal ng kanilang duet na Slumber Party sa unang pagkakataon. Pagkatapos nito, sinorpresa ng Jingle Ball host na si Ryan Seacrest si Spears sa dala-dalang birthday cake at sa tulong ni Tinashe, kinantahan ng audience si Spears ng Happy Birthday.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Aw, thank you so much!” saad ni Spear na halatang nasorpresa.

“Thank you for the sweet birthday wishes!” caption niya sa kanyang Instagram video. “Had an amazing day. Love you all.”

Kabilang sina Bruno Mars, Justin Bieber, Fifth Harmony, Diplo, at Niall Horan sa mga entertainer na nagtanghal sa Jingle Ball 2016 concert ng KIIS FM.

Binati rin si Spears ng kanyang nakababatang kapatid na si Jamie Lyn Spears sa Instagram, “Happy Birthday to my big sister,” saad sa caption ng 25-anyos na country singer sa black and white shot ni Britney na umiinom ng milkshake.

“Love you very much.” (Us Weekly)