SAN LEONARDO, Nueva Ecija - Isang 81-anyos na babae ang nasawi makaraang aksidenteng mabundol ng rumaragasang motorsiklo habang tumatawid sa Barangay Rizal sa bayang ito, nitong Linggo ng hapon.
Sa ulat ng San Leonardo Police, nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Feliciana Jordan y Domingo, ng Bgy. Rizal, matapos siyang masagi ng motorsiklong minamaneho ng isang 15-anyos na lalaking Grade 9 student, at taga-Gapan City.
Sa imbestigasyon ni PO2 Norvin Cunanan, dakong 4:30 ng hapon nang mangyari ang aksidente at naisugod pa ang matanda sa ospital ngunit hindi nasawi rin habang ginagamot.
Nakipagkasundo naman ang guardian ng binatilyo na sasagutin ang lahat ng gastusin sa aksidente. (Light A. Nolasco)