Asahan ang pagpapatupad ng kakarampot na oil price rollback ngayong linggo.
Sa taya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng 20-30 sentimos ang kada litro ng diesel, habang wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng gasolina at kerosene.
Ang napipintong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdaigang pamilihan.
Nobyembre 29 nagpatupad ng big-time oil price hike sa bansa, at nadagdagan ng P1.50 ang kada litro ng gasolina, P1.40 sa kerosene at P1.20 naman sa diesel.
Dahil dito, plano ng ilang transport group, partikular ng mga jeepney driver, na magtaas ng P1 sa minimum na pasahe.
(Bella Gamotea)