Pinasok muna sa bahay saka pinatay ng mga ‘di pa nakikilalang suspek ang isang drug personality sa Barangay Manggahan, Pasig City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Romulo Sapitula ang biktima na si Constantino Ragasa, 54, ng Kaayusan Street, Karangalan, Bgy. Manggahan, Pasig City.

Sa ulat ni SPO1 Eduardo Pablo, ng Pasig Police, nasa loob ng kanyang bahay si Ragasa, kasama ang kanyang misis na si Girlie, nang pasukin ng mga suspek, dakong 11:57 ng gabi.

Kinaladkad muna umano ng mga suspek ang biktima at saka ito pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Eleksyon

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

Aminado naman si Girlie na dating gumagamit ng ilegal na droga ang asawa ngunit nagbago na umano ito simula nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pamahalaan. (Mary Ann Santiago)