URDANETA CITY, Pangasinan – Tinatayang aabot sa mahigit P28 milyon halaga ng pirated na CD at DVD ang nakumpiska ng Optical Media Board (OMB) at Urdaneta City Police sa pagsalakay sa isang mall sa Barangay Poblacion sa lungsod na ito.

Sa ulat kahapon ng pulisya, nabatid na sinalakay ang shopping mall dahil sa pagbebenta ng mga pirated na CD at DVD at nasa 207 sako ng iba’t ibang pirated na CD at DVD ang nasamsam, dakong 5:00 ng hapon nitong Huwebes.

Dinala ang daan-daang sako ng CD sa tanggapan ng OMB sa Quezon City para sa kaukulang disposisyon.

Tiniyak naman ng awtoridad na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga may-ari ng mga nakumpiska. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!