TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Isa ang nasawi at tatlo ang nasugatan matapos na hagisan ng granada ang bahay ng alkalde ng Conner, Apayao, sa lungsod na nito, noong Sabado ng gabi.

Sa report ng Cagayan Police Provincial Office, dakong 7:30 ng gabi ng Sabado nang hagisan ng riding-in-tandem ng granada ang loob ng bahay ni Conner Mayor Leonardo Daodaen Dangoy sa Caronan Street, Barangay Caritan Norte, Tuguegarao City.

Kaagad na nasawi ang family cook na si Dungi Pilic, na nagtamo ng mga shrapnel sa katawan, samantalang sugatan naman ang anak ng alkalde na si Leomar Dangoy, na nagsisilbi ring driver ng opisyal.

Nasugatan din ang anak ni Leomar na si Ayessa Dangoy, siyam na taong gulang; at pamangking si Fritz Derick Wanawan Cortel, 20, college student.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng si Mayor Dangoy ang target ng mga suspek.

Sinimulan na ng pulisya ang masusing imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang mga suspek. (RIZALDY COMANDA)