ara-mina-copy

BAGO pa man naging boyfriend ni Sunshine Cruz si Macky Mathay ay matagal nang kaibigan ng una ang kapatid sa ama ng huli na si Ara Mina. Pero hindi raw si Ara ang naging daan para magkalapit sina Sunshine at Macky.

Ayon kay Ara, nagkakilala ang dalawa sa isang okasyon na kapwa dinaluhan ng mga ito at doon nagsimula ang pagkakaibigan at pagkakalapit nina Sunshine at Macky hanggang sa nalaman na lang niya na may relasyon na pala.

Ayaw makisawsaw ni Ara sa anumang gulo ni Macky sa dating asawa nito. Iniiwasan din niyang magbigay ng ano mang detalye o komento kung bakit nagkahiwalay ang dalawa. 

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Mas excited pa si Ara na ikuwento sa amin ang pinaghahandaan niyang pelikula na siya ang gaganap bilang ina ni Liza Soberano. Ito ‘yung My Ex and Whys na mapapanood sa pagpasok ng 2017.

“Super excited ako sa project na ‘yun. First time kong makasama ang LizQuen at unang pagkakataon ko ring maidirek ni Direk Cathy Garcia. Nakapag-shoot na kami ng ilang eksena,” kuwento ni Ara.

Single hot momma ang role niya sa naturang movie ng Star Cinema. Kamusta naman ang working relationship nila ni Liza?

“Napakabait ni Liza at napakagandang bata. Basta I love her. Kami lagi kasi ang magkasama sa tent, kaming dalawa lang, so, hindi ka maiilang sa kanya. Hindi ko nakita sa kanya ’yung pa-star effect,” sey pa ni Ara.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang isang mother role?

“Para naman sa akin, eh, walang problema ‘yan. Kumbaga, bilang aktres, okay na sa akin ang mga ganitong mother role at isang Liza Soberano pa ang anak mo, eh, tatanggi ka pa ba?” balik-tanong agad ng aktres.

Napapansin ni Ara na pabata na nang pabata ang mga artista. Kaya walang problema sa kanya ang maging nanay sa pelikula.

“At saka one more thing, eh, gusto ko talagang makatrabaho si Liza. Bata pa naman siya. Nagkakaanak nga ako sa role na 20 plus na, eh, why not accept a role to be a mom of Liza?”

Samantala, magdadalawang taon na ang anak niya.

“Parang ang bilis, magsi-second birthday na ang anak ko. Magdadalawang taon na rin pala na wala akong love life, pero okey lang, hindi ‘yun ang priority ko kasi, hindi ko hinahanap at naniniwala akong darating din ‘yan,” banggit pa ni Ms. Ara Mina. (JIMI ESCALA)