selena-copy-copy

TINALO ni Selena Gomez si Taylor Swift bilang most-followed celebrity sa Instagram ngayong 2016.

Sa inilabas na taunang ranking ng Instagram nitong Huwebes, kinilala si Gomez bilang most-followed celebrity na may 103 million followers, samantalang si Swift ang pumangalawa na may 93.9 million.

Nasa ikatlo at ikaapat na puwesto sina Ariana Grande at Beyonce na may 89.6 million at 88.9 million followers, samantalang nasa ikalimang puwesto naman ang reality TV star na si Kim Kardashian na may 88.2 million followers.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sila rin ang limang celebrity na pinakamarami ang followers sa Instagram noong nakaraang taon, pero nag-iba ang pagkakasunud-sunod sa pagbaba ni Kardashian mula sa pangalawa na ngayon nasa panglima.

Nakuha rin ng Same Old Love singer na si Gomez, 24-anyos, ang most-like celebrity photo at video sa Instagram, at ang most-mentioned artist sa social media network. . (Reuters)