Naisalba ng National University ang matikas na pakikihamok ng La Salle para makopo ang 77-74 panalo sa Game One ng UAAP women’s basketball Finals kahapon sa MOA Arena.

Naungusan ng Lady Bulldogs ang Lady Archers, 28-10, sa third period para makuha ang bentahe at kumpiyansa para manindigan sa krusyal na sandali sa kanilang best-of-three title series.

Hataw si Gemma Miranda sa naiskor na 23 puntos, 15 board, limang assist at dalawang steal para sandigan ang Lady Bulldogs, kinabibilangan ng mga miyembro ng National Team, sa panalo at hilahin ang winning streak sa loob ng 15 laro.

Makakamit ng Lady bulldogs ang kasaysayan na three-peat sa panalo sa Game 2 sa Miyerkules sa Araneta Coliseum.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Nanguna sa La Salle si Khate Castillo sa natipang team-high 18 puntos, kabilang ang 11 sa second half para pangunahan ang ratsada ng La Salle sa krusyal na sandali.

Iskor:

NU (77) – Miranda 23, Animam 14, Nabalan 11, Itesi 11, Bernardino 10, Camelo 3, Ceno 3, Del Carmen 2

La Salle (74) – Castillo 18, Penaranda 16, Claro 15, Revillosa 14, Nunez 7, Arciga 2, Vergara 2, Vela 0

Quarterscores: 20-19; 28-39; 56-49; 77-74,