ILOILO CITY – Gagawin sa Iloilo ang isa sa serye ng mga photo shoot para sa 2017 Miss Universe pageant.

Nakipagkita si Senator Franklin Drilon, isang Ilonggo, kay Tourism Secretary Wanda Teo nitong Disyembre 1 para talakayin ang mga paghahanda sa photo shoot na gagawin sa lalawigan sa Enero 2017.

Isa sa mga ikinokonsiderang lokasyon para sa photo shoot ng mga kandidata ng Miss Universe ang Miag-ao Church sa Miag-ao. Ito lamang ang nag-iisang World UNESCO Heritage Site sa buong Visayas.

Kabilang din sa mga posibleng pagdausan ng photo shoot ang Iloilo Esplanade, Iloilo Convention Center at ang Molo Church, na pawang nasa Iloilo City.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Napaulat na hiniling ni Drilon sa Department of Tourism (DoT) na isama ang Iloilo sa mga lokasyon para sa mga aktibidad para sa Miss Universe. (Tara Yap)