Iimbestigahan ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development sa Miyerkules kung paano nakapasok sa bansa ang mga illegal na manggagawang Chinese.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, umabot sa 1,316 na Chinese ang ilegal na nagtatrabaho sa resort at casino complex sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Inaasahan na dadalo sa Senate probe ang mga kinatawan ng Bureau of Immigration, Department of Labor and Employment, (DoLE) at Philippine National Police. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter