alexa-ilacad-3-copy

HINDI lang pag-arte ang kayang ipakita ni Alexa Ilacad. Gamit ang kanyang angking talento sa pagkanta, handa nang tahakin ng teen actress ang susunod na kabanata sa kanyang career bilang pinakabagong pop rock artist ng Star Music. 

Matagal nang passion ni Alexa ang pagkanta. Una rin siyang sumabak sa pagpe-perform sa reality music competition na We Love OPM na lubos niyang nagustuhan. 

“’Yung first reaction nila: Di ba artista ka? Later on, sabi nila na revelation daw ako. Na-realize ko rin na ang sarap pala talaga mag-perform, especially with a live band. When the show ended sobra kong na-miss ‘yung pagkanta and pag-perform on stage,” kuwento ng dalagita.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Kaya naman grateful and blessed ang pakiramdam ni Alexa ngayong nai-release na ang debut album niyang To The Moon & Back.

“Mas masaya ako ngayon na kinakanta ko na ang mga sarili kong kanta, naging more personal pa,” aniya.

Laman ng To the Moon & Back ang carrier single na Pakipot, Suplado, na ang music video ay idinirek pa ng Callalily vocalist at aktor na si Kean Cipriano. Certified hit na agad ito dahil ilang linggo na itong nananatili sa “Biga10” ng MOR 101.9.

Proud din si Alexa na pawang orihinal ang mga awitin sa kanyang album na isinulat ni Eunice Jorge, ang vocalist ng rock band na Gracenote, na isa sa kanyang musical influences. Ang mga kantang ito ay ang Not Too Young, Kung Pwede Lang, Kahit Saan, Kahit Kailan, Dream Boat, at Puso.

“Whoever listens to my songs will be blown away by how well-written they are. Sanay ang fans ko na mapanood akong umaarte sa mga sweet o dramatic roles. Sa album ko, naipapakita ko ang pop rock side ko – ‘yung ako talaga!” saad ni Alexa.

Ang To The Moon and Back album ay produs nina Rye Sarmiento at Darwin Hernandez. Mapapakinggan na ito sa Spotify at mabibili na rin nationwide soon sa halagang P199. Ang digital tracks naman ay maaaring i-download sa online music stores gaya ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.