pokwang-at-nanay-gloria-copy

PANSAMANTALANG iiwanan ni Pokwang ang kanyang malaking bahay sa Antipolo at lilipat sila kasama ang ina sa isang two-storey house.

Para sa kanyang Nanay Gloria na dinapuan ng Alzheimer’s disease ang paglipat ng tirahan ng komedyana.

Gustong matutukan nang husto ni Pokwang ang ina na sa pakiramdam niya ay lumulubha ang kondisyon.

Mga Pagdiriwang

Philippine Book Festival, sinimulan na!

“Hindi n’yo lang mahalata sa akin dahil napapanood nila akong patawa lang nang patawa pero sa totoo lang, deep inside, eh, sobrang malungkot ako. Hindi ko lang maipakita na kapag nag-iisa lang ako, eh, napapaiyak na lang ako sa kalagayan ng nanay ko,” sey ni Ms. P.

Hindi na raw siya nakikilala ng kanyang mahal na ina. Hindi na rin nito nakikilala ang lahat ng iba pang mga anak at ang mga apo.

“’Yung si Dino, nga ‘yung bunso namin, di ba? Paborito niyang anak ‘yun, hindi na niya kilala. Pati na si Mae, anak ko, eh, nakakalimutan na niya ang pangalan. Basta nakatitig lang siya at talagang hindi na niya kilala,” naiiling na banggit ni Pokwang.

Kaya sa halos lahat ng libreng oras ay nasa bahay lang siya, inaalagaan ang inang may karamdaman.

“Talagang nasa bahay lang ako kapag wala akong trabaho. Kumbaga, kung dati, eh, sumasama ako sa mga lakaran after taping, eh, mas gugustuhin ko pang makasama ko si Mama ngayon,” sey ng magaling komedyana.

Laging tulala ang kanyang ina at parang walang naramdamang emosyon.

“Parang wala na siyang konsepto ng lungkot o saya. Kahit ‘yung caregiver na kinuha ko para sa kanya, eh, kapag hindi niya gusto, eh, inaaway niya talaga. Kaya ang bilin ko sa kanila na aaliwin na lang nila at patatawanin,” lahad pa ng komedyana.

Lilipat sila sa mas maliit na bahay dahil, “Gusto ko talagang katabi ng room ko si Mama. Sa dating bahay kasi, nasa third floor ako, ‘tapos si Mama sa baba. Ang daming stories nga, di ba? Nakakaalis si Mama sa room niya na hindi namin nararamdaman.

“Nalalaman na lang namin,eh, nasa guard house na siya. Itong bagong bahay na lilipatan namin, eh, mas tight ang security, lola-friendly, at hindi naman kataasan at bagay sa amin talaga,” kuwento ni Pokwang. (JIMI ESCALA)