CAMILING, Tarlac - Isang public school teacher ang kinasuhan ng acts of lasciviousness matapos umano siyang maaktuhan sa pang-aabuso sa dalawang lalaking high school student habang nagka-camping sila sa likod-bahay ng isang high school sa bayang ito.
Napag-alaman kahapon sa report ni PO3 Alyn Pellogo na naaktuhan ang umano’y pang-aabuso ni Jay-R Paulo Lorenzo, nasa hustong gulang, binata, ng Barangay Rotrotooc, Mayantoc, sa dalawang estudyante sa Grade 8 at kapwa 14-anyos.
Nabatid na kasali ang dalawang biktima sa Boy Scouts Backyard Camping sa paaralan at madaling araw nang makita ng isang Scout ang pang-aabuso umano ng suspek sa dalawa sa loob ng tent.
Nagsampa na ng acts of lasciviousness ang mga magulang ng dalawang estudyante sa Camiling Police laban sa guro. (Leandro Alborote)