Sasargo ang tatlong ipinagmamalaking babaeng cue masters ng bansa -- Rubilen Amit, Irish Rañola at Chezka Centeno – laban sa pinakamatitikas na player sa mundo sa Women’s World 9-ball sa Disyembre 13-16 sa Chengdu, China.

Pamumunuan ni Amit, bemedalled Southeast Asian Games campaigner, ang elegasyon ng bansa kasama sina double SEA Games gold medalist Rañola at ang 15-anyos na si Centeno na huling tinalo ang beteranong si Kelly Fisher ng England, 11-8, para iuwi ang titulo ng Amway eSpring International 9-Ball Championship kamakailan sa Taipei.

Asam naman ng tatlong pangunahing bilyarista ng bansa na makapagtala ng pinakamagandang resulta sa kanilang paglahok sa world tournament matapos ang nakakadismayang kampanya sa nakalipas na taon.

Ang torneo ay magsisilbi rin na una sa serye ng kanilang paghahanda para sa paglahok sa 2017 Malaysia SEA Games.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Maagang aalis sina Amit at Centeno para makalahok sa tune-up event na C-B-S-A 9-Ball sa Jiaxing sa Disyembre 7-9 kung saan lalahok din ang halos lahat ng makakalaban nila sa World 9-Ball.

Asam ni Amit na makabangon ngayong taon matapos na matagal na panahon na hindi nakapagtala ng impresibong panalo kung saan huli lamang itong tumapos na ika-17th sa International 9-Ball sa Taiwan a 9th place sa China Open.

Sinabi ng 2009 World 10-Ball at World Mixed Doubles Champion na mas nakahanda at preparado ito ngayong taon at kumpiyansa sa kanyang asam na world title. (Angie Oredo)