BALER, Aurora - Nagpahayag ng matinding pangamba ang Provincial Prosecutor’s Office na magiging mabagal ang pag-usad ng hustisya sa Aurora dahil malaki ang kakapusan ng lalawigan sa mga abogado, huwes at piskal.
Ayon kay Provincial Prosecutor Jobert Reyes, lumobo na ang backlog nila sa mga kasong hindi nabibigyan-pansin bunsod ng kakulangan sa maglilitis sa may 1,000 kaso sa mga korte sa probinsiya.
Aniya, apat lang ang prosecutor sa buong lalawigan.
Kabilang sa mga hindi pa nareresolba ang pagpatay kay Baler Regional Trial Court (RTC) Judge Erwin Alaba noong Setyembre 2015. (Light A. Nolasco)