Mawawalan ng tubig sa loob ng 43 oras ang 15 barangay sa Quezon City simula sa Lunes, Disyembre 5, hanggang sa Miyerkules, Disyembre 7, dahil papalitan ng Maynilad Water Services, Inc. ang mga sirang valve sa pangunahing tubo nito sa Tandang Sora.

Apektado ng ilang araw na kawalan ng supply ng tubig ang mga barangay ng Apolonio Samson, Baesa, Bahay Toro, Bungad, Damayan, Del Monte, Katipunan, Mariblo, Paltok, Paraiso, San Antonio, Sangandaan, Talipapa, Tandang Sora at Veterans Village.

Dahil sa pagpapalit sa valve ng 1.2-meter diameter na pipeline, mapuputol ang supply ng tubig simula 8:00 ng gabi sa Lunes hanggang sa 4:00 ng hapon sa Miyerkules.

Labing-apat na water tanker ang magus-supply ng tubig sa mga nabanggit na lugar. Tumawag lamang sa Water Tankering Hotline ng Maynilad sa 737-3311 para sa water delivery.

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator

Kaugnay nito, nananawagan ang Maynilad sa mga kostumer nito na mag-imbak ng sapat na tubig kaugnay ng pansamantalang pagkaputol ng water supply. (Chito A. Chavez)