kris-copy

KAHAPON ang interview ni Kris Aquino sa first guest niya para sa kanyang digital show at makukumpirma natin kung tama ang hula ng netizens na si Maine Mendoza ang na-interview ni Kris.

Batay ito sa clue na ibinigay niya sa identity ng kanyang iinterbyuhin. Sabi niya, “I’m supposed to surprise all of you with the person I’ll be with, but I’ll give you a clue, my favorite milk based energy drink is Milo and my favorite chocolate is Maltesers. Sa blind item -- ‘yung naka-caps normally are the initials of the person. Gets n’yo na?”

Lumabas sa clue ni Kris sa kanyang blind item ang double letter M na initial ng pangalan ni Maine. Saka, pareho silang under ng management ni Mr. Tony Tuviera kaya madali kay Kris na ma-interview si Maine.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Samantala, hindi naman pala totoong wala nang endorsement si Maine dahil hindi na raw ito ni-renew ng kanyang mga ini-endorse. Nasabi namin ito dahil ang kalahati ng AlDub love team pa rin ang endorser ng CDO Funtastyk Young Pork.

Paano nga naman siya ida-drop na endorser kung nakatulong siyang maging top-selling tocino in the country ito?

Natikman na namin ang CDO Funtastyk Young Pork at talagang masarap ito at hindi ka mahihiyang irekomenda sa mga kaibigan o ihain sa mga bisita. Masarap at malambot ito dahil galing pala sa 100 percent young pork, walang salitre at hindi lumiliit ‘pag iniluluto. (NITZ MIRALLES)