Patay ang isang mag-ama na umano’y tulak ng ilegal na droga, pati na rin ang isa nilang kasamahan, matapos makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on the spot sina June Miniosa, 53; anak niyang si Jayson, 27; at si Allan Uba sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa report, dakong 10:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Navotas Police sa Market 3, North Bay Boulevard ng nasabing lungsod.

Sa halagang P500, bumili ng shabu ang isang pulis, tumayong poseur buyer, sa mag-amang Miniosa ngunit nakatunog umano ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis.

Metro

Giit ni Torre: Walang nakakahiya sa paglalakad, pagbibisikleta!

Napilitang magpaputok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo.

Umabot sa 32 pakete ng shabu ang nakumpiska sa mag-amang Miniosa, bukod sa dalawang cal. 45 at isang cal. 38 na baril. (Orly L. Barcala)