NALALAPIT na ang pagtatanghal sa Pilipinas ng kauna-unahang musical sa buong mundo na nagtatampok sa sikat na Sanrio character na si Hello Kitty.

Pinamagatang Hello Kitty Live – Fashion & Friends, itatampok din sa naturang palabas ang mga kaibigan ni Kitty na si My Melody, Mimi, Dear Daniel, Bad Badtz-Maru at Pom Pom Purin. Makakasama rin nila si Sophie na siyang magsisilbing narrator at tagapag-ugnay sa audience at sa characters sa entablado.

Layunin ng palabas na ilahad ang buhay at pangarap ni Hello Kitty. Nais din nitong ipamahagi ang mabubuting kaugalian tulad ng pagrespeto at pagiging mabuti sa kapwa, pagiging loyal at matulungin. Nais ng creative minds na bumuo ng show na ipakita si Hello Kitty bilang isang modernong nilalang na hindi nakalilimot sa kabutihang-asal na itinuro ng kanyang mga magulang.

Ang Hello Kitty Live ay magbibigay ng pagkakataon sa libu-libong fans na mapanood at makahalubilo si Hello Kitty dahil interactive ang halos kabuuan ng show. Tampok din sa musical ang ilan sa mga sikat na top 40 songs nina Bruno Mars, Kylie Monigue, Flo Rida at iba pa. Makikita rin ang kakaibang teknolohiya sa show dahil sa special effects at lighting design.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mapapanood ang Hello Kitty Live sa Meralco Theater simula December 20 hanggang January 1, 2017. Available na ang tickets sa Ticketworld at maaaring mag-log on sa www.ticketworld.com.ph.