Nobyembre 29, 1929 nang unang isagawa ng Amerikanong explorer na si Richard Evelyn Byrd at pilotong si Bernt Balchen ang biyahe sa eroplano patungo at pabalik sa South Pole sa loob ng 18 oras at 41 minuto.

Nagsimula ang paglalakbay noong taglagas ng 1928. Bumuo sila ng malaking base camp na “Little America” sa Ross Ice Shelf malapit sa Bay of Whales. Isang araw matapos ang makasaysayang paglipad, noong Nobyembre 28, dakong 3:28 ng hapon, umalis si Byrd at kasama niya mula sa kanilang base para sumakay sa Floyd Benneth, na patungo sa South Pole gamit ang mga sun compass at navigation skill ni Byrd.

Makaraang maharap sa ilang hamon sa paglipad sa itaas ng Polar Plateau at sa Mount Fridtjof at Mounth Fisher, nakarating din sila sa kanilang destinasyon dakong 1:00 ng umaga noong Nobyembre 29. Para punan ang kanilang pagkakamali sa paglalayag, lumipad pa sila ilang milya lagpas sa pole, sa kaliwa at sa kanan. Matapos itirik ni Byrd ang maliit na watawat ng Amerika sa pole, umuwi na sila nang ligtas sa Little America dakong 10:11 ng umaga.

Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: International Lesbian Day, paano nga ba nagsimula?