Mapapanood ang aksiyon sa Ultimate Fighting Cock Chmpionship (UFCC) ngayon sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City, Laguna para sa ika-16 leg – pangalawa sa huling bahagi ng 6-stag derby – ng matagumpay na UFCC Stagwars.

Pangungunahan ng magkapatid na Joey at Buboy de los Santos bilang mga host ng regular na kalahok ang labanan.

Samantala, si Edwin Tose at ang entry niyang Nicole Diane ng nangunguna mula umpisa hanggang huli sa 15th leg noong Sabado sa Ynares Sports Arena nang magtala ito ng anim na panalo at walang talo para makuha ang solong kampeonato.

Ang ATY Duhatan ni Alex Ty naman ang pumangalawa.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Natapos naman na may tig-apat na puntos sina RJ Mea (DMM RJM Tiaong), Joey delos Santos (san Roque) at Eric Dela Rosa (New Polomok Sports Arena).

Sa bihirang pagkakataon ay mayroong apat na entry ang umiskor ng tig-tatlong panalo at isang tabla na binubuo nina Gerry Teves (Gerry Boy Dec. 22 7-Cock Binan), Gov. Ito Ynares (Binangonan), Engr. Celso Salazar (Tiger Shark) at Aurelio Yee (Mergie).