Arestado at nakakulong ngayon ang isang magka-live-in na nagsabwatan sa pagnanakaw umano ng walong power bank sa loob ng isang malaking shopping mall sa Sta. Cruz, Maynila, nabatid kahapon.

Nahaharap sa theft (shoplifting) si Myla Mangayao, 38, at live-in partner niyang si Nino Francis Chan, 39, kapwa taga- M. Hizon Street, Sta. Cruz.

Sa ulat ni Supt. Santiago Pascual III, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 3 (Sta. Cruz), nabatid na dakong 4:00 ng hapon nang madakip ng civilian guard na si Louis Habejan, 33, ng Right 8 Security Agency, ang mga suspek sa pagtangay umano sa walong piraso ng power bank, na nagkakahalaga ng P6,792.

Nauna rito, pumasok umano ang mga suspek sa Mini So boutique sa SM San Lazaro sa F. Huertas Street at nagkunwaring mamimili, hanggang sa kinuha umano ng mga ito ang walong power bank, isinilid sa dilaw na plastic bag at dumiretso palabas sa naturang tindahan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakita ni Habejan ang ginawa ng dalawa kaya sinita niya ang mga ito pero walang maipakitang resibo sa mga power bank. (Mary Ann Santiago)