joyce-at-kristoffer-sa-davao-copy

NAGING mainit ang pagtanggap ng mga Davaoeño at Tagumeño sa KrisJoy love team nina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa Kapuso mall show ng GMA Afternoon Prime na Hahamakin ang Lahat sa Robinsons Place Tagum noong Nov. 18.

Bukod sa kanilang solo song performances, pinakilig nina Kristoffer at Joyce ang mga manonood sa kanilang duet, katunayan na isa na talaga ang KrisJoy sa mga inaabangang love team ngayon.

“Sobrang saya mag-perform sa mga Kapuso nating Davaoeños at Tagumeños,” sabi ni Kristoffer. “Sobrang init ng pagtanggap nila sa amin at talagang nanonood sila ng Hahamakin Ang Lahat. Ramdam na ramdam namin ang energy ng ating mga Kapuso. We’ll surely be back soon,” sabi ni Kristoffer.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

“Maraming salamat po sa mga Kapusong Davaoeños at Tagumeños na nagpunta sa mall show namin lalo na sa mga Chinglovers at KrisJoy Royalties na andu’n. Salamat sa mainit na pagtanggap at sana patuloy ninyong suportahan ang Hahamakin ang Lahat,” sabi naman ni Joyce.

Humarap din ang KrisJoy sa mga miyembro ng Davao press bago ginananap ang kanilang mall show at ibinahagi nila ang ilang detalye tungkol sa kanilang latest project sa GMA. Balik-tambalan sila sa Hahamakin Ang Lahat, isang drama na nagpapakita ng mas mature na KrisJoy. Umiikot ang kuwento ng kanilang soap sa pakikipagsapalaran ng mag-ina mula sa isang Filipino-Chinese family.