dingdong-zia-marian-1st-bday-copy

SA kanya-kanyang Instagram account ipinaalam nina Dindong Dantes at Marian Rivera kung paano nila ipinagdiwang ang first birthday ng kanilang unica hija na si Letizia Gracia Dantes. 

Tulad ng mga nauna nang sinabi ng mag-asawa, walang engrandeng party dahil hindi pa naman iyon maa-appreciate ni Zia, hindi pa siyempre nito alam kung ano ang nagaganap. 

Pero si Dingdong, nagpaalam sa taping ng Alyas Robin Hood sa GMA-7 para makasama ang kanyang mag-ina. Ito ang caption niya sa picture na tinutulungan nilang mag-blow ng candle si Baby Zia:

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“We celebrated her first birthday in the same place where we had our first date 8 years ago.”

Hindi sinabi ni Dingdong kung saan iyon, pero ang sabi ng DongYans na nakakaalam ng love story ng mag-asawa, sa Sonya’s Garden sa Tagaytay raw iyon at na naka-motor lamang silang nagpunta roon.

Sa Instagram account naman ni Marian, ito ang kanyang post:

“Happy birthday, anak. Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo. Nawa’y lumaki ka na isang mabuting tao at mapagmahal sa iyong kapwa. Kasabay ng iyong kaarawan ay ipinagpapasalamat ko rin ang isang taon ko na pagbibigay ng gatas sa iyo.”

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang sakripisyo mo para sa anak natin. I am so proud of you. I appreciate your effort very much.”

“Iyan ang litanya ng asawa ko bago niya ibinigay ang painting na ito sa akin kanina lang pagkauwi namin from Tagaytay. 

“Mahal, salamat sa regalong ito. Sobrang naantig mo ako. Hayyy, ang sarap mabuhay na kasama kayong dalawa! Thank you Lord.” #PurelyBreastFed by Mark Padernal (ang painting). (NORA CALDERON)