Sa isa pang pagkakataon, iwawagayway ni Miguel Tabuena ang bandila ng bansa sa kanyang pakikipagtambalan kay Angelo Que sa prestiyosong World Cup of Golf sa Melbourne, Australia.

Sasagupa ang 22-anyos Rio Olympics veteran at ang 37-anyos na si Que laban sa 27 koponan simula ngayon sa Kingston Heath Golf Club.

Kumpiyansa si Tabuena matapos ang matikas na kampanya sa US Open at World Golf Championship.

Lalaruin sa opening at third round ang foursome, habang ang second at final round ay four-ball.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

May distansiyang 7,111-yard ang Kingston Heath course.

Kabilang sa makakaharap ng Pinoy ang tambalan nina Rickie Fowler at Jimmy Walker ng US, Adam Scott at Marc Leishman ng host Australia, Graeme McDowell at Shane Lowry ng Ireland, at England’s Danny Willett at Lee Westwood.

Kabilang naman sa mga Asian teams sina Japan’s Hideki Matsuyama at Iyo Ishikawa, gayundin sina Thai Thongchai Jaidee and Kiradech Aphibarnrat.