LJUBLJANA (AFP) – Ito ang tawag na hindi maaaring palampasin ng Ljubljana: Tinawagan ni US President-elect Donald Trump at ng kanyang tubong Slovenia na asawang si Melania, 46, ang mga lider ng bansa noong Miyerkules.

‘’Prime Minister Miro Cerar received this afternoon a call from the newly elected US president and the future first lady Melania Trump,’’ ipinahayag ng opisina ng Slovenian premier.

Bukod sa pagbati kay Trump, 70, sa ‘’exceptional success’’ nito, sinabi ng opisina na binigyang-diin rin ni Cerar ‘’that in Slovenia we are proud of the fact that the future first lady comes from our country’’.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'