marco-masa_moose-gear-copy

NAGIGING paboritong endorser ng Moose Gear ang mga batang artista ng Star Magic. Katunayan, patuloy na dumarami ang Kapamilya endorsers ng clothing apparel for young ones.

Ngayong taon, muli silang pumili ng ilang batang artista sa Goin Bulilit para sa nagpapatuloy na paglaki ng kanilang kompanya sa mundo ng negosyo.

Pinili ng Moose Gear para sa kanilang bagong pangkat ng endorsers sina Raikko Matteo (Honesto), Josh de Guzman (We Will Survive), at si Marco Masa (Nathanie). Napili rin sina Ashley Sarmiento (Flordeliza), Jana Agincillo (Dream Dad), at si Mitch Naco (Team Yey).

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Buong pagmamalaki ring inilabas ng apparel ang kanilang Moose Gear at Moose Girl Collection na binubuo ng mga bagong damit na maaaring tawaging “mini me ” dahil ito ay koleksiyon ng mga damit pangsanggol at pang pre-school.

Sa kabila ng patuloy na pangunguna sa mga bagong usong disenyo, binigyaang-diin nila na ang kanilang misyon ay ang makapagbigay ng maganda at abot-kayang damit para sa mga bata.

Kasama na rin sa mga mabibili ngayon ang kanilang 2016 Christmas Holiday Collection na binubuo ng damit panglaro, long sleeves at maong at kaswal chambray na damit para sa Moose Girl. –Cristynne Tamayo