IBINIBENTA ang electronic cigarettes dahil sa akala na mas ligtas ito bilang alternatibong kapalit ng sigarilyo.

Ngunit pagdating sa oral health, napag-alaman sa bagong pag-aaral na mapanganib ding tulad ng paninigarilyo ang vaping.

Sa pag-aaral na inilathala sa journal na Oncotarget, natuklasan ng mga researcher na ang mga kemikal na taglay ng electronic cigarette (e-cigarette) vapor ay kapareho at kasing mapanganib din – o mas mapanganib pa sa ibang kaso – sa mouth cell tulad ng paninigarilyo ng tobacco.

Ang pinsalang ito ay maaaring magdulot ng mga problema sa oral health, kabilang ang sakit sa gilagid, tooth loss, at mouth cancer.

Matapos bantaang ibabala sa kanyon vs. China: PCG spox Tarriela, bumwelta kay Rep. Marcoleta

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), dumami ang gumagamit ng e-cigarettes nitong mga nakaraang taon, partikular sa mga kabataan. Noong 2015, 16 porsiyento ng mga high-school student ang naiulat na gumagamit ng device, kumpara sa 1.5% noong 2011.

Itinuturing ng nakararami na mas ligtas ang e-cigarette kaysa sa nakasanayang paninigarilyo, ngunit dahil bago pa lamang ang device na ito, kakaunti lang ang nalalaman ng mg tao sa posibleng pangmatagalang epekto ng vaping sa kalusugan ng tao.

Halimbawa, inihayag ng pinuno ng pag-aaral na si Irfan Rahman, Ph.D., professor ng environmental medicine sa University of Rochester School of Medicine at Dentistry sa New York at kasamahan nito na may limitadong datos lamang na nakapagbibigay ng impormasyon sa epekto ng e-cigarette vapor sa kalusugan.

Upang matugunan ang problema sa kakulangan ng datos, in-expose ng grupo ang gum tissue ng mga taong hindi naninigarilyo sa tobacco o mentol-flavored e-cigarette vapor.

Mayroong 16 milligrams ng nicotine ang tobacco-flavored vapor, samantalang may 13-16 milligram ng nicotine naman o walang nicotine sa menthol flavor.

Napag-alaman ng mga researcher na ang lahat ng e-cigarette vapor ay maaaring magdulot ng pinsala sa gum tissue cell kumpara sa pagkakalantad sa tobacco smoke.

“We showed that when the vapors from an e-cigarette are burned, it causes cells to release inflammatory proteins, which in turn aggravate stress within cells, resulting in damage that could lead to various oral diseases,” ani Irfan Rahman.

Inilahad din ng mga researcher na dati nang alam ng madla na nagdudulot ang nicotine sa sakit sa gilagid, pero lumalabas na mas nakakapagpalubha ang e-cigarette flavoring sa cell damage na dulot ng e-cigarette vapor.

Naniniwala na dapat magkaroon ng karagdagan pang pag-aaral para imbestigahan ang long-term effect sa paggamit ng e-cigarette, sinabi ni Rahman at ng kanyang grupo na ipinapakita ng kanilang pag-aaral ang negatibong epekto ng device sa oral health.

“Overall, our data suggest the pathogenic role of [e-cigarette] aerosol to cells and tissues of the oral cavity, leading to compromised periodontal health,” konklusyon nila.

“Damage to the defensive barrier in the mouth can increase the risk of infection, inflammation, and gum disease. Over the longer term, it may also increase the risk of cancer. This is what we will be investigating in the future,” saad ni Dr. Mahmoud Rouabhia. (Medical news today)