Nagpaalam pa umano sa kanyang ama ang isang estudyante na hindi ito papasok sa kanyang klase bago tuluyang nagbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, ang biktima na si Bryan Pagdanganan, 18, ng 12 Llalana Extension, Barangay 104, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong 5:15 ng hapon nang madiskubre ni Norman, ama ni Bryan, ang nakabigting bangkay ng biktima sa ikatlong palapag ng kanilang bahay.

Isinugod pa umano ni Norman ang kanyang anak sa Mary Johnston Hospital at nagbakasakaling mailigtas pa ito ngunit huli na ang lahat.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

Ayon pa kay Norman, bago nagpakamatay ang kanyang anak ay nagpaalam pa ito sa kanya na hindi muna papasok sa eskuwelahan.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na posibleng emotional distress ang naranasan ng biktima dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang nobya. (Mary Ann Santiago)