Mga Laro sa Sabado

(Filoil Flying V Centre)

9 n.u. -- UE vs Ateneo

11 n.u. -- FEU vs UPIS

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

1 n.h. -- AdU vs DLSZ

3 n.h. -- UST vs NU

Ginapi ng Adamson, sa pangunguna ng bagitong si Encho Serrano na tumipa ng 23 puntos, ang Ateneo, 77-65, para hilahin ang winning run sa apat na laro kahapon sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Kumubra rin si Serrano ng pitong rebound at dalawang steal para sandigan ang Baby Falcons sa ikalawang sunod na panalo.

Sa iba pang laro, nginata ng defending champion National University Bullpups ang De La Salle-Zobel, 80-55, sa rematch ng last year’s Finals, habang nagwagi ang Far Eastern University-Diliman kontra University of the East, 100-88.

Kumubra sina Winderlich Coyoca ng 14 puntos, habang tumipa sina Karl Peñano ng 13 puntos at siyam na at nag-ambag si John Lloyd Clemente ng 11 puntos at pitong rebound para sa Bullpups.

Nanguna sa Baby Tamaraws sina Xyrus Torres na umiskor ng 23 puntos at pitong rebound, habang tumipa si Daniel Celzo ng 18 puntos at 10 rebound.

Magkakasama ang Blue Eaglets, Junior Archers at Junior Warriors sa 1-3 karta.