Ganap na kinumpleto ng University of Santo Tomas ang isa na namang dobleng kampeonato matapoos magwagi sa men’s at women’s division ng UAAP Season 79 judo competition sa Sports Pavilion ng De La Salle-Zobel campus sa Ayala Alabang, Muntinlupa.

Inangkin ng Growling Tigers ang kanilang league-best 12th men’s championship matapos makatipon ng kabuuang 49 na puntos, habang inangkin ng Tigresses ang kanilang ikatlong dikit na women’s title at ika-9 na pangkalahatang titulo matapos makalikom ng 74 puntos.

Nanguna para sa Tigers si Season MVP Daryl John Mercado, namayani sa ---55 kgs. event, para patalsikin sa kanilang trono ang dating kampeong Ateneo na nagtapos na pangalawa sa natipong 36 puntos.

Nagtapos namang pangatlo sa kalalakihan ang De La Salle na natipon na 29 puntos.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

May 51 puntos na kalamangan ang Tigresses sa pumangalawa sa kanilang University of the East.

Nanguna sa Tigresses ni tournament MVP Sueko Kinjho, nanalo sa -52 kg. category.

Pumangatlo naman sa women’s division ang University of the Philippines na may 20 puntos.

Nahirang naman sina Yiu Man Noah Lee ng Fighting Maroons at Blanca Louise Garcia ng Lady Maroons bilang Rookie of the Year winners sa men’s at women’s division, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, winalis din ng UST ang juniors division, matapos kapwa magkampeon sa boys at girls class sa pangunguna nina MVP Aaron Emmanuel Reyes at Krizza Joy Amisola. (Marivic Awitan)