SANTA ANA, California (AP) — Kinasuhan ng ‘hit-and-run’ si dating NBA star Dennis Rodman bunsod nang aksidente kung saan namali siya nang tinahak na kalsada sa Southern California freeway.

Nagsampa ang Orange County prosecutor ng kasong ‘misdemeanor’ laban kay Rodman nitong Lunes (Martes sa Manila) hingil sa insidente na naganap noong Hulyo 20 sa Interstate 5 ng Santa Ana.

Ayon sa record ng prosecutor, sakay si Rodman ng kanyang SUV at tinatahak ang north sa southbound carpool lane ganap na 12:30 ng umaga, dahilan para mapuwersa ang kasalubong na sedan na bumanga sa dividing wall para makaiwas sa kanya.

Sinabi naman ng legal counsel ni Rodman na si Paul Meyer na naganap ang insidente sa lugar dahil sa kakulangan sa exit ramp sign. Iginiit niya na tumigil si Rodman para maitama ang pagkakamali at kaagad na sinaklolohan ang sakay ng naturang sedan.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Kinasuhan din si Rodman ng ‘driving across a dividing section and without a valid license’ gayundin ang pagbibigay ng maling impormasyon sa mga imbestigador.

Nakakaharp siya sa dalawang taong pagkakakulong.