maine-copy-copy

PATULOY na minamahal ng publiko ang phenomenal star na si Maine Mendoza dahil sa kanyang bubbly personality at unique style ng entertainment. Sa mga nakasabayan, si Maine pa lang yata ang nakakagawa ng mga naabot niya sa loob lamang ng mahigit isang taon sa industriya.

Sa maikling panahon, napatunayan ni Maine kung gaano siya kamahal ng lahat, a true crowd darling. Tinatangkilik ang halos lahat ng mga ginagawa niya, kaya naghi-hit — TV shows, movies, appearances, singles, at endorsements!

Paano nag-a-adjust si Maine sa mga pagbabago sa buhay niya dala ng kasikatang tinatamasa niya?

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“I think it’s safe to say that I am still in the process of familiarizing. I still have a lot of things to learn and I think it would take me a long time to get used to everything,” saad niya.

Kamakailan, ginulat na naman ni Maine at ng kalahati ng AlDub na si Alden Richards ang kanilang mga tagahanga nang ikasal sila sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ang isa pang milestone na proud niyang ibinahagi ay ang pagiging top-selling tocino ng paborito niyang Young Pork Tocino.

“I am a proud endorser and sobrang proud at happy ako na kahit paano, nakatulong ako na ang CDO Funtastyk Young Pork para maging top-selling tocino na ngayon sa bansa,” sabi ng dalaga.

Kilalang gawa sa 100% young pork, walang salitre at hindi lumiliit ang kapag niluluto ang naturang produkto.

“Fan talaga ako ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino ever since kaya happy ako na number one na siya. It’s delicious, tender kasi hindi ito gawa sa inahing baboy and hindi ito malitid. It doesn’t shrink easily when cooked unlike other brands kaya young talaga ang love ko!”

And speaking of love, patuloy na pinapakilig ni Maine ang lahat sa panghuhula kung ano na nga ba ang totoong relasyon nila ni Alden . Ano pa nga ba ang ibang aabangan sa kanila ni Alden?

“We are currently working on something outside Eat Bulaga, at dapat abangan nila ito.”

Ngayong Christmas, excited si Maine to spend time with her loved ones kahit busy ang schedule niya.