NASUGBU, Batangas - Patay ang isang barangay kagawad matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Nasugbu, Batangas, kahapon ng umaga.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:00 ng umaga nang pagbabarilin si Reynaldo Lopez, kagawad ng Barangay Dayap, sa Banana Street sa Bgy. Putat, Nasugbu.

Nagsasagawa na ng malawakang pagtugis sa tumakas na suspek, habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

(Lyka Manalo)
Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match