Hindi man lang nangimi ang isang kawatan na biktimahin ang isang pulis na kanyang nilooban sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Nanlulumo sa panghihinayang na nagtungo sa presinto si PO1 Marven Adriano, 31, operatiba ng Guiguinto Police sa Bulacan, at residente ng Avocado Street, Barangay 148, Bagong Barrio, para i-report ang panloloob sa kanyang bahay.

Kwento ni Adriano, dakong 3:00 ng umaga nang umalis siya ng bahay upang kumuha ng gamit sa kanyang ina sa 3rd Avenue sa Bgy. 43, Caloocan City.

Nasa jeep na siya nang maalalang naiwan ang kanyang sling bag, kung saan nakalagay ang kanyang baril.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

Bumalik sa bahay si Adriano at laking-gulat niya nang makitang nadistrungka ang seradura ng pinto kaya Dumiretso siya sa cabinet na pinaglalagyan niya ng mahahalagang gamit hanggang nakumpirma niyang pinasok ang kanyang bahay, at wala na rin ang binalikan niyang sling bag.

Natangay ng magnanakaw ang .9mm caliber na service firearm ni Adriano, maging ang kanyang wallet na may P19,000 cash.

Sa pagsilip sa CCTV footage, nakita ang isang lalaking naka-jacket ng itim na naglalakad hawak ang sling bag ng pulis. (Orly L. Barcala)