barbie-copy-copy

WALA pang formal announcement ang GMA-7, pero may lumabas na kung sinu-sino ang apat na leading men ni Barbie Forteza sa Meant To Be, bagong primetime teleseryeng pagbibidahan niya. Matagal at mabusisi ang audition, pero natapos na at napili na ang makakapareha ni Barbie.

Sila’y sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner. Sina Ken at Jak ay homegrown Kapuso talents, si Addy ay talent ni Jonas Gaffud at si Ivan, of course, kilala siya dahil sumali siya sa PBB Teen Clash 2010 na si James Reid ang nanalo.

Kapuso na si Ivan at ang Meant To Be ang first project niya sa GMA-7.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Si LA Madridejos ang director ng rom-com series na sabi, papalit sa Alyas Robin Hood next year.

Hindi ito ang unang pagtatambal nina Barbie at Ivan dahil nagsama na sila sa isang episode ng Maynila na napapanood din sa GMA-7. Bata pa sila pareho that time, lalo na si Barbie, kaya reunion nila ang rom-com series. (Nitz Miralles)